Add parallel Print Page Options

15 Kung ang iniisip nila ay ang kanilang pinanggalingang lupain, nagkaroon pa sana sila ng pagkakataong makabalik. 16 Ngunit ang ninanais nila ay higit na mabuting lupain, isang lupaing makalangit. Kaya't hindi ikinahiya ng Diyos na siya'y tawaging Diyos nila, sapagkat sila'y ipinaghanda niya ng isang lungsod.

17 Sa (A) pamamagitan ng pananampalataya, nang subukin ng Diyos si Abraham ay ihinandog niya sa Diyos si Isaac. Siya na tumanggap ng mga pangako ay handang maghandog ng kanyang kaisa-isang anak,

Read full chapter